Tuesday, August 23, 2011

..and who am i to counter my fate?

i consider my life a drama, or rather more slapstick mode just like the philippine cinema. so tragic that it'll make you burst into laughter, teary-eyed and will give you that grin in your face that seems to say, 'what a fuck up life'.

yeah, i've been to hell and back.

but amidst all these, yeah, im fuckin' alive and kickin' your ass!!

defeated by circumstances, but one thing definite, i survived all the shits!

Friday, August 28, 2009

Maling mali

wala daw mali. wala naman daw masama. ayon yan kay Abalos. Oo nga naman.

Ano ba ang masama, friends nga sila ng mga Chinese investors, partikular ng ZTE Corp.? Syempre 'friendly' tayong mga Pinoy eh. Lalo na sa investors. Magbibigay ng trabaho eh. May mali ba dun? Wala nga naman.

Bilang Chairman ng Commission on Elections, syempre, pana-panahong nabibigyan ng mga pribilehiyo lalo na mga libreng trips abroad. Hindi suhol yun, ah. Friendly gifts and privileges ang tawag dun kaya! Haler. May mali ba dun? Syempre wala din.

Eh ano kung malayo sa trabaho nya bilang Comelec Chair ang pagtulong sa NBN-ZTE deal, eh concerned nga sya sa Pilipinas eh. Kaya nga tumutulong eh, ano ba?! May mali ba dun? Syempre wala, no!

May mali ba, na habang naghihikahos ang taumbayan, nandoon ang mga lekat sa China pagolf-golf? Syempre wala no! Ang hirap nga naman ng trabaho nila. They need some time to rest. Sarap ng buhay nila, no? Rest forever kaya, they like?!

Naniniwala kang walang mali? Naniniwala ka bang walang mali sa sinasabi mo? Talaga?! Nagkakandabulul-bulol ka na. Para kang adik. Tsk Tsk

Yung nahuling nagnakaw ng side mirror ng kotse ng kapitbahay nakakulong pa hanggang ngayon. The law applies to all daw eh. Ikulong daw dapat ang mga magnanakaw sabi ni mamang pulis para sa mas mapayapang komunidad! Oo nga naman.

Eh paano ang mga nagnakaw ng kinabukasan ng bayan ko? Ano ang dapat nilang kabayaran? Suspensyon? Ah, lipat na lang ng departamento. Hindi, lipat ahensya!

Siguro panahon na para palitan ang mga residente sa Bilibid.

Maling mali eh.

blogging?...y not?!

been a while

im back!!